Friday, June 12, 2009

GUIDELINES

BACTERIAL FLUSHING

Pagbibigay ng antibayotiko sa mga kinukondisyong manok para mapatay ang mga “Secondary Bacterial Infection” na siyang magiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit lalo na kung ito ay kasabay ng mabigat na ehersisyo.

ROTATION
Ito ay ang pagpapalipatlipat ng ating manok panabong sa ibat-ibang lugar o pwesto para:
-maging maliksi o alisto sa laban.
-hindi siya matakot kahit saang lugar siya ilagay.
-lagi siyang gumagalaw at hindi siya naiinip.

HALIMBAWA NG ROTATION
-cord to other cord
-cord to flying pen (2hrs) to other cord
-cord to 3x3 pen or running pen to other cord

PAGPAPAILAW
Ito ay ang pagsasanay sa ating mga panlaban na makakita ng maliliwanag na ilaw katulad sa sabungan.
Nasasanay sila sa maliwanag na ilaw upang hindi na sila tumingala sa oras ng laban.

PAGPAPAHINGA
Isang oras matapos patukain ang manok panabong sa umaga siya ay kinukulong at tinatakpan ng tabing o madilim na tela para siya ay makapagpahinga.
Matapos ang dalawang oras na pagpapahinga siya ay inilalabas para makapag unat-unat sa loob ng 10-15 minuto at siya ay muling ipapasok sa kulungan. Ito ay ginagawa hanggang dumating ang oras ng pagpapatuka sa hapon.
Matapos tumuka sa hapon at kapag maganda ang panahon maaari natin siyang patulugin sa kanyang tarian. Ginagawa ito upang siya ay magkaroon ng sapat na “moisture” o tubig sa katawan na tinatanggal naman sa pointing sa araw ng laban.

PAGPAPATUKA
Sa bawat pagpapatuka ng 30-40 gramo, magdagdag ng isang kutsarita or 3-5 gramo ng PELLETS simula sa unang araw hanggang ika 18 na araw ng pagkokundisyon para:
- Matugunan ang tamang buka o spread ng katawan ng manok
- Mapanatili ang magandang pangangatawan ng manok habang humaharap sa mabigat na ehersisyo.

PAGPAPAKASKAS (SCRATCH PEN)
- Ito ay may sukat na 3ft x 3ft
- Balat ng mais o dayami ang mainam na ilagay dito na makakaykay ng manok.
- Sinisimulan ito tuwing ika 4 ng umaga kasabay ng pagpapasanay sa ilaw, kahig at sampi. Tumatagal ng 5-10 minuto ang bawat pagpapakaskas.
- Nakakatulong ito sa pagdidibelop ng kalamnan at tatag o resistensya sa pagod.

PAGSASAMPI
- Ginagawa ito ng dalawang tao habang pinakakahig ang panlaban. Pinagsasalpok sa ere ang dalawang panlaban para mag pang abot.
- Natuto syang umangat at hindi magpauna ng palo sa kalaban.

SPARRING O PAG BIBITIW
- Ito ang pagbibitaw o pinaglalaban ang dalawang manok ng walang tari para Makita ang kanilang kilos o galaw sa pakikiglaban
- Dalawa hanggang tatlong salpukan ang karaniwang pag bibitaw.
- Nakakatulong ito sa pag dedebelop ng kanilang istilo at kakayanan sa pakikipag laban.
- Nakikita natin kung siya ay nagbibigay ng maayos na patama ng mga paa sa kalaban.
- Napag- aaralan natin ang kanilang tamang galit at kung papaano sila bibitiwan sa oras ng laban.

CARBOLOADING
- Ito ay ang pagpapakain ng mga patuka na may mataas na antas ng carbohydrates tulad ng mais, kanin at mga oats.
- Ginagawa ito sa ikalawang araw bago ang laban para sa karagdagang enerhiya n gating mga panlaban
- PAALALA: Huwag masyado i- carboload ang mga panlaban kapag mainit ang panahon dahil masyado silang hihingalin.

POINTING
- Pag papahinga ng manok sa kulungan.
- Pag mumonitor ng pag kain at tubig sa katawan ng manok lalo na sa araw ng laban.
- Inilalabas ang manok tuwing makalipas ang 2 oras para makapag unat- unat.

1 comment:

  1. 알리커 족보 알리커 족보 븰 길�리커 포커 족보븰 길�리커 포커 저리커 クイーンカジノ クイーンカジノ betway login betway login bk8 bk8 958Bet 1x2 (Wager 1x2) | VegasCasino.com

    ReplyDelete